Chapter 1.1 : Ang Pangarap ni Fredo

Thursday, December 16, 2010

By: Jayson Patalinghug
email: king_sky92@yahoo.com
Blog: www.jaysoncnu.blogspot.com
------------------------------------------------------
Ito ang kauna-unahang kwento na isinulat ko sa salitang Filipino. Kung gusto ninyong mabasa ang karugtong ng nobelang ito, maari po lamang na sundan ninyo ako sa aking blog www.jaysoncnu.blogspot.com
--------------------------------------------------------
Tumulo ang aking luha habang hawak hawak ko ang isang diary na naglalaman ng isang masakit na katotohonan, ang pagpatay ko sa sarili kong anak.
Ika labing siyam na kaarawan niya noon ng di namin maintindihan ang kilos niya, balisa siya at para bang may bumabagabag. Hindi kami sanay na ganoon ang kinikilos ng aming bunso sapagkat napaka masayahing bata ni Fredo. Nag aaral siya ng kursong theology sa Christian Foundation of Cebu. Bata pa lamang siya ay kaagapay na namin silang dalawa ng kuya Jason niya sa simbahan. Pastor kasi ang aking asawa at ako naman ang nangangasiwa sa women’s ministry. Ang panganay kong anak na si Jason ang siyang nangangasiwa sa music ministry, maganda kasi ang boses nito at magaling pang tumugtog ng gitara at piano. Si Fredo naman ay nasa children’s ministry, nagtuturo siya ng Sunday school sa mga bata. Kumakanta din siya kasama ng kuya Jason niya tuwing Sunday service. Magkasundong magkasundo silang dalawa sa lahat ng bagay at lagi silang masaya. Sinusuportahan ni Jason ang kapatid kahit bat hindi sila magkatulad na mahilig sa sports. Mas gusto kasi ni Fredo ang magsulat kesa maglaro.
“Fredo anak..halika labas ka na diyan, handa na ang mesa. Ikaw nalang hinihintay” anyaya ko sa kanya habang kinakatok ko ng marahan ang kanyang pintuan.
“Ma susunod na ako..magbibihis lang ako saglit” tugon naman niya.
“Oh sige anak, bilisan mo ha at may supresa kami sa iyo” sabi ko habang pababa na ako patungong sala kung saan nandun ang buong pamilya. May surpresa kasi kami para kay Fredo, binili namin siya ng bagong Amazon kindle “e-book reader”. Inorder pa yun ng papa niya sa America, matagal na nya kasing pangarap ang gadget na yun.
Tatlumpong minuto pa ang nagdaan at di pa rin siya lumabas. Pinuntahan na siya ng kuya niya sa kwarto at ilang minuto lang ay lumabas na sila. Bagong paligo si Fredo at nakabihis, suot nya ang polo shirt na regalo ko sa kanya nung pasko ko at nga rolex na relo na bigay naman ng papa niya nung nakaraang kaarawan niya.
“Happy Birthday!” sabayang bati namin sa kanya habang pababa sila ni Jason ng hagdanan. Ngumiti lang siya at tumingin sa amin.. walang imik.
“Oh, bakit naman parang malungkot ang aking bunso?” tanong ng papa nya.
“Di naman po, medyo napagod lang ako kanina sa school.” Tugon niya sabay bitaw ng pilit na ngiti.
“Oh siya wag ka nang malungkot at heto may regalo kami sayo!” sabay abot ng ama sa isang box na nakabalot sa pulang papel.
“Buksan mo agad anak at sigurado akong matutuwa ka nyan.” Sabi ko na sabik makita ang reaksyon niya.
Binuksan ni Fredo ang kahon at lumiwanag ang kanyang mukha sa nakita “Wow! Amazon kindle! Para sa akin po eto?” masayang tanong ni Fredo sa amin.
“syempre! Di ba last year mo pa gustong magkaroon ng ganyan?” sagot ng ama.
“salamat po pa, ma!” lumapit siya sa amin at niyakap niya kami nga mahigpit. Ewan ko bah parang kakaiba ang yakap niyang iyon. Puno ng damdamin, iba sa karaniwan niyang yakap sa amin. Marahil dala ng matinding kagalakan.
“ehem ehem...magseselos na ako nyan kapag di mo bubuksan itong regalo ko sayo” sambit ni Jason na may tonong pagtatampo..pero syempre paglalambing lang iyon...malambing kasi si Jason sa bunso niya.
“ah kuya, may regalo ka rin para sa akin?” tanong ni Fredo na nakangisi.
“syempre, kelan ba ako walang regalo sa birthday mo ha?” sagot naman nitong medyo pasigaw, pero nakangiti pa rin.
“Oh hala sige, buksan mo na rin regalo ng kuya mo at baka magtampo pa iyan” sabi ko kay Fredo. Agad nya namang kinuha ang regalo ng kuya at binuksan. Isang Diary na kulay blue at sa loob may naksulat:
“Pasa sa utol kong makata..isulat mo dito ang mga pangarap mo.
-kuya Jason-“
Walang imik si Fredo ngunit mamasa masa na ang mga mata nito at yumakap sa kapatid. Yumakap na rin kami sa kanila at nag Family hug. Ang saya namin nung gabing iyon.
“Ano di pa ba tayo kakain?” tanong ko sa kanilang nakangiti.
“Oo nga pala gutom na ako sa kahihintay nitong makata kong kapatid, tara kain na tayo!” sabay tawa at nag akbayan na ang magkapatid patungong hapag kainan.
Nang nasa hapag na kami, nagdasal muna ang asawa ko bago namin pinagsaluhan ang masarap na pochero, lechon kawali at pancit na hinanda ko. Paborito kasi yun ng mga anak namin. Syempre may birthday cake din.
Masaya kaming nag kukwentuhan habang kumakain ng bigla na lamang tumahimik si Fredo.
“Anak, ano ba problema at natahimik ka ata nang bigla?” tanong ko sa kanya. Di siya sumagot, patuloy lang sa pagkain. Ilang minuto nagtanong siya.
“Ma, pa.. may itatanong ako sa inyo sana po wag kayong magagalit.” Malumanay nyang tan
ong sa amin.
“tol, parang seryoso ka ata dyan ah... nakabuntis ka ba?” sabay ngisi ng kapatid.
“Eh di pakasalan! Ano bang problema dun? Lalaki ka anak at natural lamang na may ma inlove sa iyong babae.” Sambat naman ng ama.
“Diyos ko! Ano ba yang pinagsasabi ninyo? Tandaan nyong hindi kagustuhan ng panginoon ang mga bagay na iyan.” Sabat ko naman sa usapan.
“Eh kaya nga pakasalan eh para di na maging imorral! At least sigurado tayong di bakla ang anak natin.” Pangising biro ng ama.
“Sabagay, may punto kayo. Wala yata akong anak na bakla!” sagot ko naman. “Oh anak ano ba yang tanong mo? Wag mo na kaming intindihin, biro lang iyon pero sana di ganun ang tanong mo..joke! ehehe” pabiro ko namang tanong kay Fredo.
Tumahimik lang ito at binitiwan ang isang pilit na ngiti. “ah wala po ma..itatanong ko lang sana kung...(tahimik)...kung pwede na akong maunang matulog. Nahihilo po kasi ako eh. Mahinang sabi ni Fredo.
“May sakit ka anak? Uminom ka ng gamot bago ka pumasok sa kwarto at matulog” sabi ko naman.
“Di na po, pagod lang ako... ipapahinga ko lang ito. Basta ma, pa, kuya.. tandaan nyo mahal na mahal ko kayo at masaya ako sa kaarawan kong ito.” Tumayo siya at isa isa kaming niyakap at hinagkan sa pisngi.
Ewan ko ba...kakaiba talaga ang mga yakap niyang iyon pero di ko nalang inintindi. Umakyat na siya sa kwarto pagktapos kumain. Si Jason naman at ang ama niya ay nag videoke muna sa sala habang nililigpit ko ang aming kinainan.
Kinaumagahan, ginising ko si Fredo kasi parang nasarapan sa tulog at maleleyt pa ata. Kumatok ako ng kumatok ngunit walang tumugon. Mga sampung minuto na rin akong kumakatok kaya medyo kinabahan na ako.
“Pa...pa..pa! halika dalhin mo susi sa kwarto ni Fredo...baka may nangyari na sa kanya! Sumisigaw na ako sa pag alala....dali dali namang tumakbo paakyat ang asawa ko at si Jason. Bakas sa kanilang mukha ang matinding pag alala. Agad na binuksan namin ang kwarto at di ako halos makakilos sa aking nakita. Napako naman sa kinatayuan ang aking asawa at si Jason ay agad tumakbo palapit sa bankay na nakabitin sa kesame.
“Tol..tol..bakit? huhu...”umiiyak si Jason habang dali dali nyang pinutol ang lubid at inihiga ang kapatid sa kama. “tooooooollllllllll....huhuhuhuuhuhuhuhu
Di ko maintindihan ang aking naramdaman at parang sasabog ang aking dibdib. Dahan dahan akong lumapit sa walang buhay na katawan ng aking bunso. Umiiyak, di makapaniwala sa aking nakita. Nang papalapit na, humagulohol na ako ng iyak.. sumunod din ang aking asawa na parang batang umiiyak. Di ko maintindihan kung bakit nya iyon ginawa.
Sa ibabaw ng drawer niya nakalagay ang amazon kindle na regalo namin sa kanya at katabi nun ang diary na regalo ng kanyang kuya. Tiningnan ko ang kindle, nkabukas iyon at may naka download na e-book. Tiningnan ko ang pamagat ng libro “Tol...I love You by Mike Juha” Isang libro tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaki.  Binuksan ko ang diary at may nakasulat dito...

Sa mahal kong Pamilya,

            Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isang mabait at mapagmahal na magulang. Hayan pa ang kapatid kong sobrang mahal din ako. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kayo at pangako kong di ko kayo madidisappoint. Ngunit ma at pa..may sekreto akong matagal ko nang tinatago sa inyo. Natatakot akong ma disapoint kayo sa akin  at baka ikahiya sa ibang tao. Alam kong di nyo matatanggap na may anak kayong lalaki din ang hanap. Di ko ginusto ang aking nararamdaman at matagal ko na rin itong nilabanan. Mahirap, masakit dahil di ko kayang ipakita ang totoong ako at di ko malayang magawa ang mga nais ko sapagkat nakatali ako sa prinisipyo ng ating relihiyon. Natatakot akong mapunta sa empyerno at ayaw ko rin na ako ang maging dahilan ng kaguluhan sa pamilya. Ma at pa, litong lito na po ako...marami akong katanungan ngunit wala akong mahanap na sagot, wala akong masabihan sa takot na layuan ako ng aking mga kaibigan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at nakikita kong di rin ninyo ako kayang maintindihan. Napakabigat ng aking mundo...lalo nat walang nakakaintidi sa akin...sobrang bigat na hindi ko na kaya...The world is too much for me to bear!
            Ma at Pa, pasensya na po at di ko na maipagpatuloy ang inyong mga pangarap sa akin. Pasensya na at di ako naging matatag...Sana po sa aking pagpanaw may mabubuksan na isipan at may mga katanungan na mabibigyan ng sagot.
Kuya Jason,
            Salamat sa diary kuya..ito ang pinaka magandang bagay na bigay mo sa akin. Dahil dito, naisulat ko ang aking mga pangarap. Sa mga sumusunod na pahina, isinulat ko ang aking likhang nobela. Iyan ang pangarap ko.
Ma, Pa at kuya, sana mapatawad nyo ako sa aking ginawang paglisan!


                                                            Nagmamahal,
                                                           Wilfred

Parang dinurog ang puso ko sa aking nabasa, tumulo ang aking luha habang hawak hawak ko ang isang diary na naglalaman ng isang masakit na katotohonan, ang pagpatay ko sa sarili kong anak.
Matagal ko nang napupuna na iba ang aking anak ngunit di ko ito pinansin. Tungkulin ko bilang isang ina na gabayan ang aking mga anak, ngunit nabigo ako. Wala ako sa mga panahong gustong ibuhos ng bunso ko ang sakit na nadarama niya. Wala ako upang upang gabayan siya sa kanyang pinagdaraanan. Napahagulhol nalang ako at parang mawalan na ako ng lakas.
Si Jason naman ay sobrang hinagpis ang nadama. Sinisi ang sarili dahil sa biro nito sa kapatid nung nakaraang gabi. Ngunit niyakap siya ng ama..
“wala kang kasalanan anak...kami ang may pagkukulang. Di namin kayo nagabayan ng mabuti.” Humaguhol na rin ang aking asawa... napuno ng kalungkutan ang aming bahay at parang nawalan na kami ng pag asa... Ngnunit naalala ko ang sabi ni Fredo, na sana sa kanyang paglisan may mga katanungan na mabibigyan ng kasagutan..hahanapin ko ang sagot at hindi ko hahayaang mangyari ang ganito sa natitira kung anak.

-itutuloy-

11 comments:

Crissy said...

nice one sir...

Francis said...
This comment has been removed by the author.
Francis said...

hahahaha,,,nyc 1,,hpit mn q maka hilak,,

Argelyn Lacurte Benlot said...

ayay maka relate man ta...makahiak man q apil

Jeremiah Sualan said...

wow ka nicae pd sa letter uie.... mkrelate mn pd ta aqng tanwn sa t.v. very good..

mary joy mendoza said...

helo miss

Ricky PB said...

wow a nice!!!,,,,

maris rapol said...

hi miss...points nya hapz..!!^_^

rodrigoRAYMOND_BSMX said...

NICE ANG STORY...

jeniffer said...

hi mis crissy...,
very nice & interesting your story..somebody can relate your story......thanx miss.....

johnray gelig said...

yeah maka relate jud ta ani eii

Post a Comment