Pains Of LoVe: Sweet Ache of Memories

Friday, September 2, 2011

Pains Of LoVe: Sweet Ache of Memories: The place was filled with deep silence and fresh scented flowers. I gazed the place where my beloved Arrah peacefully rested as I reminis...

Ganito Ako Ginawa ng Diyos

Thursday, July 28, 2011

By Jayson Patalinghug
Genre: Short Fiction
Blog URL: www.jaysoncnu.blogspot.com

Note: Ang kwentong ito ay hindi totoo. Hango lamang ito sa aking mga pangarap na sa tingin ko ay malabong mangyari sa totoong buhay kung pagbabasihan natin ang lipunan na ating kinabibilangan. Read more in my blog.....

************************************ 

Linggo ng umaga at hinihila ko na naman ang aking sarili patungong simbahan. Naiinis akong pumunta ng simbahan. Wag niyo sanang ma misinterpret, Di ako naiinis sa Diyos. Naiinis lang talaga akong pumunta ng simbahan – sa simbahan ni Pastor Manuel.  Mag aapat na buwan na rin mula ng maging pastor namin si Pastor Manuel. Malayong malayo siya sa dati naming Pastor, si Pastor Rey na siya na yatang pinaka mabait at pinaka-mapagmahal na taong nakilala ko. Si Pastor Manuel, sa kabilang banda ang pinaka matigas ang puso at mapang husgang taong nakilala ko sa aking tanang buhay. Ayon kay Pastor Manuel, lahat sa akin, at lahat ng ginagawa ko ay kinasusuklaman ng Diyos.


Alam kong sa umagang iyon ay maririnig ko na naman ang mga salitang kinasusuklaman ako ng Diyos at itatapon ako sa lawa ng apoy sa impyerno. Halos kada linggo nalang, yun ang naririnig ko. Ang kanyang mga sermon ay hindi man lang pumupuri sa Panginoon kundi puro panghuhusga sa kapwa. Naisip ko nga kung bakit pa kami pumupunta sa simbahang iyon. Marahil ay dahil ito ang pinakamalapit sa amin. Maari ding nakagawian nalang namin dahil sa ilang taon na rin kaming nagsisimba sa simbahang iyon. Ano man ang dahilan, pumupunta kami doon kada linggo at nakikinig sa mga salitang puno ng galit at panghuhusga sa loob ng isa at kalahating oras.

Di ko alam kong anong Bibliya ang binabasa ni Pastor Manuel, basta ang alam ko, hindi kami pareho ng binabasang bibliya. Nakasaad sa Bibliyang binabasa ko na ang Diyos ay Pag-ibig….Paig- IBIG at hindi POOT. Ngunit ang Bibliyang binabasa ni Pastor Manuel ay nagsasaad lamang ng galit, pagkamuhi at pagkasuklam, wala man lang PAG-IBIG. Kahit ilang beses kong binasa ang aking Bibliya ay di ko matagpuan ang mga katagang kinamumuhian niya ako. Dahil kung ganun ay bakit niya sinabing ginawa niya ako hango sa kanyang anyo? Kung kinasusuklaman talaga ako ng Diyos bakit nya sinabing siya ay pag-ibig? Bakit inutusan niya akong mahalin ang aking kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili? Naguguluhan ako.

Di na importante kung saan niya ito nabasa. Nag iiwan lamang si Pastor Manuel ng mga pag agam-agam sa aking paniniwala: Kinasusuklaman ako ng Diyos. Di naman talaga specific na ako – kundi ang mga katulad ko. Alam mo na, yung mga lalaking umiibig din sa kapwa lalaki.

Anyway, busy yata ako sa pag-iisip kung ano na naman ang sermon ni Pastor sa linggong iyon ng mabulabog ang aking pag muni-muni ng marinig ko ang boses ni mommy.

“Jed, bilisan mo na at maleleyt na tayo,” sigaw ng mama ko mula baba ng hagdanan.

“Oo, nariyan na po,” sigaw ko din, pagsagot sa tawag ni mommy.

Kinuha ko ang aking jacket at patakbong tinungo ang hagdanan, tinigan lang niya ako.

“Sorry,” sabi ko.

“Dapat lang,” sagot niya. “Isang araw sa katatakbo sa hagdanan dahil lagi ka nalang nagmamadali ay mahuhulog ka, pagkatapos ay mabali ang leeg mo at isusugod kita sa hospital imbes na sa simbahan.”

“Talaga? Saglit lang, subukan ko nga ulit,” sabi ko sabay talikod at bumalik sa taas ng hagdanan.

“Bumalik ka nga dito,” utos niya na natatawa, “kundi mababali talaga yang leeg mo na hindi nahuhulog sa hagdanan.”

“Hinarap ko siya at nilapitan sabay halik sa kanyang pisngi, “di mo gagawin yun, kasi mahal mo ako.”

“bolero,” sagot niya. “tayo na at maleleyt na talaga tayo nito.”

Malapit lang ang simbahan mula sa amin kaya naman ay halos limang minuto lamang kaming naglakad ay nasa simbahan na agad kami. Sinalubong kami ni Pastor Manuel, binati niya si mommy na para bang isang matagal na nawalay na kamag anak. Habang isang malamig na titig lamang ang binigay niya sa akin. Pagkatapos na kanyang mainit na pagtanggap – at least mainit ang pagtanggap niya kay mommy – ay pumasok na kami sa simbahan at nakipag kumustahan sa ibang mga kapatid. Actually si mommy lang ang nakipag kumustahan sa kanila habang ako nasa tabi lang niya naka ngiti, nagpapanggap na masaya at naaliw sa lugar na iyon.

Ilang saglit lang ay nagsimulang tumugtog ang aming organist, lahat ay dali-daling tinungo ang kani-kanilang upuan, kinuha ang mga hymnals at nagsimulang kumanta. Nangibabaw ang malakas na boses ni Pastor Manuel na parang pusa na hindi mapakali. Isang malaki at galit na pusa. Nag iisip tuloy ako kung naririnig ba niya ang kanyang sarili.

Pagkatapos ng unang hymno ay agad siyang pumagitna at lumapit sa pulpito, handa na siya upang magbigay ng sermon. Kakaiba yata ang linggong ito, parang nagmamadali si Pastor. Walang announcements, walang introductions, hindi man lang binati ang mga bisita; deretso agad siya sa kanyang sermon. Halos makita kong nag aapoy ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ko siya mula sa aking upuan. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang Bibliya sa kanyang kanang kamay at ang mga mata ay nakatingin sa kesame. Mukhang exciting ang palabas niya sa mga panahong iyon. Lahat nvg tao sa loob ng simbahan ay tahimik lang, binalot ng nakabibinging katahimikan ang silid na iyong… ang mga tao ay nakatingin kay Pastor na para bang naghihintay ng malalaglag na bituin.

Pagkatapos ng halos 2  minutong katahimikan ay bumagsak ang kanyang kaliwang kamay sa pulpito at sumigaw, “Damnation!” halos mahulog sa upuan ang mga tao sa gulat. Sa tingin ko ay may isa o dalawa na kailangang magpalit ng underwear pagkauwi sa bahay. Pagkatapos ay sinuri niya ang boong congregasyo ng kanyang nag aalab na mata. Halos lahat ay natakot… ewan ko lang kung ano ang nasa isip ng ibang taong nandoon. Nang matagpuan niya ako ay tinitigan niya ako na para bang nayayamot siya sa akin. Tumitig lang din ako sa kanya. Sa tingin ko ay he is trying to intimidate me, pero walang epekto sa akin yun.

Biglang nagbago ang tono ng kanyang boses, mula sa psigaw ngayon ay pabulong naman, “May nasaksihan ako.”

Dahil sa akin siya nakatingin habang sinabi niya iyon, ay napag isip tuloy ako, “Ano na naman ang nagawa ko ngayon?”

Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin, palakas ang kanyang boses ng sabihin niyang muli, “May nasaksihan ako nitong linggo na magdadala na POOT ng Diyos sa ating lahat.” Binigyan pa niya ng emphasis ang salitang POOT. Sa panahong iyon, halos kalahati nalang ng congregasyon ang nagulat.

“May kasama tayong salot dito sa ating simbahan,” pasigaw siya habang tinuro niya ako.

Narinig ko ang mga pagsinghap ng mga tao habang ang kanilang mata ay nakatingin sa akin. Nakakahiya na para bang gusto kong matunaw habang pinagpipyestahan ako ng kanilang mga mata. Pero hindi parin ako natinag at hindi ako nagpakita ng takot, patuloy lang ako sa pagtitig sa nagbabagang tingin sa akin ni Pastor Manuel. Maaring tatablan din ako hiya mamaya, pero sinisigurado kong hindi niya makikita ang aking pagbagsak.

Siguro ay nakita niya Kami ni Lester na nakahawak kamay sa may plaza, at ngayon ay isisiwalat niya ito sa boong congregasyon, pati na sa aking ina. Ang pakiramdam ko ay parang guguho ang aking mundo. Naramdaman ko nalang ang kamay ni mommy na hinawaka ang aking kanang kamay at pinisil ito. Tumayo siya at hawak ang aking kamay lumabas kaming dalawa sa simbahan. Nagsisigaw si Pastor si Manuel, pero di na namin ito pinakinggan.

Umuwi kami ng bahay, magkahawak parin ang aming mga kamay ngunit walang imikan, ngunit ng makarating kami sa bahay ay bumigay na ako, humagolhol na ako ng iyak at yumakap sa aking ina. Niyakap din niya ako, hinaplos ng kanyang mga kamay ang aking mga buhok sabay bulong “okay lang yan, ilabas mo lang. Nandito lang ako at Mahal na mahal kita,”

Nang humupa ng aking naramdaman ay pinaupo niya ako sa sofa at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at nanatili kami sa ganoong ayos ng ilang minuto.

“Im sorry ma,” sabi ko, pagbagsag ng katahimikan.

“Wala ka dapat ihingi ng tawad anak,” sagot naman niya.

“meron po,” sabi ko. “Ma, bakla po ako.”

“Alam ko,” sabi niya.

“Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya. “Alam niyo po?” tanong ko na parang na shock.

“Oo, matagal ko ng alam,” sagot niya na nakangiti. “Hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin.”

“Papaano?” tanong ko.

“Ina mo ako,” sabi niya

“Pero, papaano?” tanong ko ulit.

“Pinagmamasdan kita. Mula noong nagbinata ka ay wala ka pang naging girl friend. Hindi ka man lang nagkukwento ng tungkol sa mga crush mong babae. Hindi ka pa nakikipag date,” sagot niya. “Sa pagdaan ng panahon, nagtataka ako kaya naman ay inobserbahan kita ng maigi. Hindi ka na nagdadala ng mga kaibigan sa bahay gaya ng ginagawa mo noong bata ka pa. Pagkatapos noong isang buwan lang, dinala mo sa bahay natin si Lester. Yun ang ka una-unahang pagkakataon na nagdala ka ng kaibigan sa bahay sa loob ng tatlong buwan. Pinagmamasdan ko kayo at napansin kong may kakaiba sa inyong dalawa. Tuwing tinitingnan mo siya ay nagliliwanag ang iyong mukha. Ang iyong mga mata ay kapareho ng mga mata ng iyong ama kapag tinitingnan niya ako. At doon ko nalaman. Nalaman kong umiibig ka sa isang lalaki; pero okay lang sa akin yun. Anak kita at mahal kita. Kung umiibig ka sa isang lalaki sa halip na babae, hindi niyan mababago ang iyong pagkatao. Mahal kita at gusto kong makita kang masaya.”

Napaiyak ako sa sinabing iyon ng aking ina at muli ko siyang niyakap. Wala akong masabi. Alam ng aking ina na bakla ako at matagal na niya itong alam. Alam niyang umiibig ako sa isang lalaki ngunit sa kabila ng lahat ay tanggap niya ako at mahal niya ako.

Pagkatapos ng ilang minuto, kumalas sa pagkakayakap sa akin si mommy at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. “Di ko alam kung nagugutom ka na” sabi niya na nakangiti, “Pero ako sobrang gutom na. Halika magluto tayo.”

Tinungo namin ang kusina. Tiningnan ni mommy ang fridge at kinuha ang mga tira-tirang pagkain at saka ininit ito. Gumawa din ako ng vegetable salad na paborito naming pareho. Naging busy kami sa paghahanda ng aming pagkain. Nagtitinginan at nagngingitian lang kami ni mommy. Nang handa na ang lahat, naupo kami at pinagsaluhan ang pagkain sa aming hapag.

Di ko mapigilan ang ngumiti. Di ako makapaniwala. Bakla ako, alam ito ng mama ko at okay lang lahat. Okay lang din sa kanya na may boyfriend ako.

Habang kumakain kami, tiningna ako ni mommy, ang kanyang mukha ay may bahid ng kalungkutan. “Patawad anak” sabi niya. “Di kita dapat dinala sa simbahang iyon. Alam kong mapanghusgang tao si Pastor Manuel, dapat ay di nalang kita sinama.”

“Okay lang yun ma,” sabi ko. “Hindi naman ako naniniwala sa kanya. Hindi naman galing sa Diyos ang mga pinagsasabi niya. Lahat ay base lamang sa sarili niyang paniniwala. Lahat ng kanyang mga sermon ay taliwas sa akung ano ang nabasa ko sa Bibliya.”

“Kahit na,” sabi niya, ”Dapat ay dinala kita sa ibang lugar imbes na makinig sa kanyang maanghang na salita.”

“May magandang bagay naman na nangyari dahil sa kanya,” sabi ko sabay ngiti, “Salamat sa kanya at malaya na ako ngayon. Hindi ko ka pinoproblema kung papaano ko sasabihin sayo ang aking sekreto. Di ba mas maganda iyon, ano sa tingin mo?”

“Oo nga, tama ka,” sagot niya na nakingiti din, “Pero nagi-guilty pa rin ako. Walang bata ang dapat makaranas ng iyong mga naranasan, ang makinig sa isang mapanghusgang sermon kada linggo. Di ko alam kung bakit ko hinayaan iyon. Alam kong bakla ka at ang mga katulad mo ay hinuhusgahan ng Pastor na iyon, dapat ay di na kita dinala doon.”

“Ma, wag mo na nga sisihin ang sarili mo,” sabi ko sa kanya. “Naisip ko na rin iyon, at sa tingin ko ay parang naging habit nalang natin ang pagpunta sa simbahang iyon. Alam mo na, matagal na rin tayong nagsisimba doon.”

“Alam ko iyon anak,” sagot naman ni mommy, “Pero ang punto ko lang ay, dinala kita sa isang lugar kung saan ang katulad mo ay hinuhusgahan at kinamumuhian na parang isang salot. Paano kung naniwala ka?  Di ko mapatawad ang aking sarili pag nagkataon.”

“Okay, bago mo parusahan yang sarili mo,” sabi ko, “Una, ikaw at ako ay malapit sa isat isa at alam mong lalapit ako sayo kapag may problema ako. Di ba?

“Oo, naman” sagot niya.

“Pangalawa, Nakita mo ako mula noong dumating si Pastor Manuel sa simbahan natin. Nakita mo ba akong nag-alala? Nakita mo ba akong malungkot, nag momokmok at walang buhay?” Tanong ko.

“Hindi,” sagot niya.

“Magaling. Eh di wala ng problema. Tigilan mo na yang pagsisi mo sa iyong sarili,” sabi ko, pagkatapos ay tumawa, “Sa tingin ko ay kailangan natin maghanap ng bagong simbahan.”

“Pagkatapos ng lahat, gusto mo pa ring mag simba? Tanong niya.

“Bakit hindi? Tanong ko. “Hindi dahil sa may iilang pastor, katulad ni pastor Manuel na binabaluktot ang Bibliya ayon sa kanyang paniniwala, ay kakalimutan na natin ang ating pananampalataya at di na magsisimba. Pinapalakas lang nila ang aking pananampalataya. Pinilit niya akong basahin ang Bibliya at tuklasin ang katotohanan.”

“Alam mo, you never ceae to amaze me,” nakangiting sabi ni mommy.

“Alam ko,” sagit ko naman na nakatawa. Tumawa lang din si mommy at natawan kaming dalawa.

“Sa susunod na linggo, punta tayo sa simbahan nina Lester,” sabi ko. “Ang Pastor nila ay di katulad ni Pastor Manuel. Naniniwala siyang ang Diyos ay Diyos ng Pag-ibig at ang kasarian ng isang tao ay hindi hadlang sa ating pagiging Kristyano. Gusto mo yun? Kung okay lang sayo, sa susunod na linggo doon na tayo magsisimba.”

“Parang gusto ko yan,” sabi ni mommy. “Sige sa susunod na linggo, punta tayo doon.”

At biglang tumunog ang door bell. Si mommy na ang nagbukas ng pinto.

“Oh Lester ikaw pala,” narinig kong sabi ni mommy. “Halika, tuloy ka…nasa kusina si Jed.”

Sabay na silang pumasok sa kusina, nakatayo si Lester sa likod ng mommy ko. Tiningnan ko siya at nginitian.

“Hi babe,” ang sabi ko sa kanya sabay salubon sa kanya at bingyan ng isang halik sa labi.

Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko siyang nag bllush, pulang pula ang kanyang mga pisngi. Tumingin siya sa aking mommy at pagkatapos ay sa akin.

“Alam mo, may magandang nangyari sa akin nitong umaga,” sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay at dinala ko siya sa aking kwarto.

“Mukhang maganda talaga ang iyong umaga ah,” sagot niya. “Ang pagsalubong mo sa akin kanina ay nakakapanibago.”

“talaga, napakasaya ko sa umagang ito. Sasabihin ko sayo pero maupo muna tayo,” sabi ko sabay yakap sa kanya at binigyan siya ng isang mariing halik sa labi.

“Whoa,” sagotniya pagkatapos ng aming halikan. “Sana ganito lagi ang iyong umaga.”

Pagakatapos ay kinwento ko kay Lester ang lahat; mula sa mapanghusgang titig sa akin ni Pastor Manuel, hanggang sa pagsiwalat niya ng aking sekreto sa boong congregasyon; hanggang sa pagtanggap ng aking ina na may anak siyang bakla at sa pagtanggap niyang may boyfriend ako; lahat lahat. Nakinig lang si Lester sa lahat ng aking kinwento sa kanya.

“OMG!” sabi niya noong matapos na akong magkwento. “Exciting nga talaga ang iyong umaga.”

“Hindi lang yan, napagkasunduan namin ni mommy na doon kami magsisimba sa simbahan ninyo this Sunday,” sabi ko, pagkatapos ay ginawara ulit siya ng isang marring halik.

Pagkatapos ng halik na iyon, naisip ko kong gaano pala kasarap ang maging malaya, yung di mo na kailangan magtago… o matakot na may makakita sa iyo. Dapat pala pinagtapat ko na kay mommy noon pa. Ilang taon din akong nabuhay na puno ng pagkukunwari at sa takot na baka malaman niyang bakla ako at ikahiya. Bakit ko nga ba pinagdudahan ang pagmamahal ng aking ina sa akin?

At naisip ko rin na nakatira tayo sa isang lipunan kung saan ang mga bakla ay hindi gaanong tanggap. Pinalaki tayo sa takot na malaman ng ating pamilya at ng lipunan ang ating pagiging bakla. Pinaniwala nila tayong ang pag-ibig ay para lamang sa nagmamahalang lalaki at babae.

Anyway, Nagsama kami ni Lester boong maghapon. Naglaro kami ng Dota, nanood ng movie “The Love of Siam”, nagharutan. Pagkatapos ng ilang oras ay nabagot din kami kaya naglaro kami ng basketball. Lagi nalang akong talo sa bawat round. Totoo yatang di tayo perpekto, hindi maaring magaling ka sa lahat. Utak, lakas at Gandang lalaki: two out of three, solve na ako dun.
******************
Nang sumunod na linggo, Pumnta kami ni mommy sa simbahan nina Lester. Nakatayo si Lester at ang kanyang mga magulang sa labas ng pinto hinihintay kami. Binati ako ni Lester ng isang yakap pagkatapos ay pinakilala niya ang kanyang mga mgulang sa mommy ko. Mukhang madali naman silang nagkagaanan ng loob. Pinakilala din ako ni Lester kay Pastor Greg na nakatayo lang pala sa gilid ng pinto.

Kabaligtaran talaga ito sa mga nangyari noong nakaraang linggo. Kung may dalawang lalaking nagyakapan sa labas ng pintuan ng simbahan, sigurado akong sasabog ang dibdib ni Pastor Manuel sa galit.

Pero si Pastor Greg, ngumiti lang siya at kinamayan ako. “Magandang umaga sayo at welcome sa aming munting tahanan ng Diyos,” sabi niya. Pagkatapos ay ngumiti siya, sumulyap kay Lester at nagsabi, “Iniisip ko lang kung sino ang naglagay ng mga matatamis na ngiti sa mga labi nitong si Lester.”

Nag blush lang ako at nag smile.

“Sana ay mag enjoy kayo at ma blessed ngayong umaga… at sana ay hindi pa ito ang huli nating pagkikita,” dagdag pa niya.

“Salamat po, sa tingin ko po ay kada linggo na tayong magkikita.” Sagot ko naman.

“Magaling,” sabi niya.

At nagsimula ng patugtugin ng organist ang organ at ang lahat ay dahan dahang nagsipasok sa simbahan at naghanap ng upuan. Hawak hawak ni Lester ang aking kamay, sinundan namin ang aming mga magulang hanggang sa marating namin ang karaniwang pwesto nila sa simbahan…malapit sa unahan. Magkatabi kaming naupo ni Lester at napapagitnaan kami ng aming mga magulang. Nang makaupo na kami ay tinitigan niya ako, piniga ng marahan ang aking kamay. Tinitigan ko rin siya at ngumiti.

Naisip ko sa aking sarili: Nasa simbahan ako, hawak-hawak ang kamay ng aking boyfriend at mahal ako ng Diyos. Nararamdaman ko. Ang saya-saya ko sa mga oras na iyon na tila perpekto na para sa akin ang lahat.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang matandang babae na nakatingin sa amin ni Lester na magkahawak kamay. Nginitian ko siya at nginitian din niya ako, Kinindatan pa niya ako at sa kanyang mga mata di mo makikita ang pangugutya at panghuhusga.

Ang paraan ng pagsamba sa simbahang iyon ay kakaiba. May mga awit ng papuri ngunit walang nagsisigaw, walang mabibigat na kamay na bumabagsak sa pulpito. Walang myembro ang nagugulat at pilit na napapasigaw ng “Amen!” o “Hallelujah!”, Tahimik, payapa at mararamdaman mo talaga ang essence ng pagsamba.

Nang magsimula ang sermon ni Pastor Greg, tumingin siya sa akin at kay Lester…ngumiti      . Ang mga unang salitang binigkas niya sa kanyang sermon ay, “Ganito ako Ginawa ng Diyos.”

Wakas…..

small horizons: "a LigHt in tHe dArk"

Wednesday, July 13, 2011

small horizons: "a LigHt in tHe dArk": "Since i was young i felt and encountered different kinds of hardships .. I have to fight in order to survive in this hedonistic world ful..."

Part 1 : Enkantadong Gubat

Tuesday, January 18, 2011

By: Jayson
Genre: Homo-erotic, Fantasy
Note: 

*************************************************************
Prologue 

Tumakbo siya papasok ng IT Park – hindi na niya kailangan na lakasan ang pagtakbo sa pagkat ang mga taong humahabol sa kanya ay medyo malayo pa at malabo nang mahuli pa siya. Isang sampal para sa kanya ang tawaging isang pangkaraniwang magnanakaw lamang, para sa kanya mas magaling pa siya riyan. Sa totoo lang magaling naman talaga siya, kahit na sa edad na kense maiituturing na siyang isang experto.

Madali niyang napapansin ang mga ang mga taong mahilig sa luho at kadalasan tama ang kanyang mga hinuha sa kung ano ang gusto nito. Pagkatapos, isang tanong lang ang kailangan upang makapagsimula ng usapan, papaniwalain niya ang kausap na taglay na siya ang isang mahalagang bagay at ipagbibili ito sa murang halaga. Napakagaling nitong manlinlang na agad naman niyang nauuto ang kausap na bilhin ang isang bagay na wala naman talaga.

Ang pagbebenta ng mga mga bagay na hindi sa kanya o mga bagay na wala naman talaga ang siyang pangunahing dahilan kung bakit walang dereksyon ang kanyang buhay. Sa pagkakataong ito mukhang mali yata ang tantya niya at sa halip na makalabas ng Brgy. Apas na hindi nahuhuli ay heto at hinahabol pa siya ng madlang kanyang naging biktima.

Hindi naman siya namomroblema sa sitwasyon niya kasi mga tanga naman ang madlang humahabol sa kanya; ang iingay kaya madali niyang nalalaman kung nasaan ang mga ito at iwasan. Medyo napagod na siya sa kakatakbo kaya naisipan niyang magpahinga. Nang lumingon siya ay nakita niya na papalapit na ang mga humahabol sa kanya; kaya naisipan niyang magtago sa likod ng puno ng akasya na nakatanim sa likod ng rehabilitation center sa may bungad ng IT Park. Nakaupo lang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong humahabol sa kanya na papalapit sa kanyang dereksyon, pero ang nakakapagtaka ay parang di siya nakikita ng mga ito. Natawa nalang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagsisigawan, galit na galit sa paghahanap sa kanya.

Habang pinagmamasdan niya ang mga humahabol sa kanya, may narinig siyang isang sutsot sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito nagtaka siya sapagkat ang pagkakakita niya ilang minuto lang ang nakakaraan ay may iisang puno lang sa lugar na iyon, ngunit parang isang malaking gubat ang kanyang nakita. Ginala niya ang kanyang paningin at puro puno at damo ang nasa paligid hanggang sa nawala sa kanyang paningin ang nagtataasang gusali ng IT Park, wala na rin ang mga taong bayan na humahabol sa kanya. Huli na nang mahinuha niyang nasa gitna na siya ng kagubatan.

“Ngayon ay nasa kamay na siya ng kagubatan” sabi ng isang batang engkanto.
“Sa tingin ko ay kailangan muna nating maghintay,” sambat naman ng matandang engkanto na kakarating lang, “Minsan kusa silang pinapalabas ng kagubatan, parang ayaw ng gubat sa kanila.”

Tiningnan niya ang paligid at mukhang napapagod na ang kanyang mga mata sa kakatingin ngunit di niya pa rin maaninag ang naglalakihang gusali ng IT park. Di niya maipalawanag kung papaano siya napunta sa kagubatang iyon. Naisipan niyang maupo sa isang bato na nakita niya sa tabi ng isang malaking puno. Hindi siya mapakali may palagay siyang hindi siya nag iisa. Nararamdaman niya ang mga matang nagmamatyag sa kanya.

“Munting nilalang, anong meron ka ngayon para sa akin?”

“Kamahalan, isa pong mortal ang hinahabol ng taong bayan. Pinapasok ko siya at binigyan ng kaligtasan dito sa kagubatan. Naghihintay nalang po siya sa inyong hatol.”

“Oo nga, bata pa siya ngunit nasa tamang edad na upang makagawa ng bata. Ayon sa ating batas kailangang tratuhin natin siya gaya ng sa matatanda. Hmm..mukhang takot siya, pero natural lang iyan; at ang kanyang pangalan ay, ahhh Jed. Ngayon imbestigahan natin ang dahilan kung bakit siya ipinadala dito sa kagubatan. Hmmm... mukhang may kakayahan naman; ngunit mukhang di pa niya alam kung papano ito gamitin. Ang nakakalungkot lang ay isa siyang makasariling nilalang at ginagamit niya ang kanyang kakayahan upang manlinlang ng kapwa.”

“Ano ang kakayahan niya kamahalan?”

“Tingnan natin, nasa eksaktong posisyun siya, lagi niyang alam kung nasaan siya. May kakayahan din siyang maramdaman ang pakiramdam ng iba, dahil dito alam niya kung ano ang pangangailangan ng iba.”

“Sa tingin nyo po mali ako sa pagpapasok ko sa kanya, kamahalan?”

“Munting nilalang, minsan kailangan nating magbaka sakali. Hindi naman sa lahat ng oras ay sigurado tayo sa ating mga desisyon. Mas mabuti nga ang ganoon, nakakadadag ito ng kulay sa ating buhay. Kahit na sa tingin ko ay may kakayahan nga siyang makagawa ng kaguluhan sa ating mundo. Sa ngayon ay kailangan natin siyang bantayan ng maigi; di na ako magugulat pa kung makatakas siya dito sa kagubatan; naiisip ko pa lang ay mukhang kapana-panabik na, kasi wala pa namang nakakapasok sa kagubatang ito na nakakalabas ng buhay.”

“Pero kamahalan, kung baka sakali nga na makalabas siya, malaki ang mawawala sayo!”

“Totoo, tama ka munting nilalang; iyan ang nakasaad sa batas at kailangan natin iyang sundin. Buksan nating tuluyan ang ating mundo sa kanya at umpisahan na natin ang kasiyahan.”

“Masusunod po kamahalan, gaya ng iyong nais, bubuksan ko na ng tuluyan ang ating mundo para sa batang mortal.”

-itutuloy-

Note: Maikli lang ang part na ito kasi I have to make sure that each episode has one plot lang. Ngunit wag po kayong mag-alala if magustuhan niyo man ang kwentong ito, araw-araw ko na po itong i-update. Kung gusto niyong mabasa ang mga updates ng mas maaga paki bisita nalang po ako sa blog ko kasi medyo delayed ang posting ko sa ibang mga blog sites, paki leave nalang po ng comments dito at sa blog ko mismo para naman gumana ang utak ko. Kung hindi niyo naman gusto, okay lang po, just leave and do not read further.

Here is my blog: www.jaysoncnu.blogspot.com

Chapter 1.1 : Ang Pangarap ni Fredo

Thursday, December 16, 2010

By: Jayson Patalinghug
email: king_sky92@yahoo.com
Blog: www.jaysoncnu.blogspot.com
------------------------------------------------------
Ito ang kauna-unahang kwento na isinulat ko sa salitang Filipino. Kung gusto ninyong mabasa ang karugtong ng nobelang ito, maari po lamang na sundan ninyo ako sa aking blog www.jaysoncnu.blogspot.com
--------------------------------------------------------
Tumulo ang aking luha habang hawak hawak ko ang isang diary na naglalaman ng isang masakit na katotohonan, ang pagpatay ko sa sarili kong anak.
Ika labing siyam na kaarawan niya noon ng di namin maintindihan ang kilos niya, balisa siya at para bang may bumabagabag. Hindi kami sanay na ganoon ang kinikilos ng aming bunso sapagkat napaka masayahing bata ni Fredo. Nag aaral siya ng kursong theology sa Christian Foundation of Cebu. Bata pa lamang siya ay kaagapay na namin silang dalawa ng kuya Jason niya sa simbahan. Pastor kasi ang aking asawa at ako naman ang nangangasiwa sa women’s ministry. Ang panganay kong anak na si Jason ang siyang nangangasiwa sa music ministry, maganda kasi ang boses nito at magaling pang tumugtog ng gitara at piano. Si Fredo naman ay nasa children’s ministry, nagtuturo siya ng Sunday school sa mga bata. Kumakanta din siya kasama ng kuya Jason niya tuwing Sunday service. Magkasundong magkasundo silang dalawa sa lahat ng bagay at lagi silang masaya. Sinusuportahan ni Jason ang kapatid kahit bat hindi sila magkatulad na mahilig sa sports. Mas gusto kasi ni Fredo ang magsulat kesa maglaro.
“Fredo anak..halika labas ka na diyan, handa na ang mesa. Ikaw nalang hinihintay” anyaya ko sa kanya habang kinakatok ko ng marahan ang kanyang pintuan.
“Ma susunod na ako..magbibihis lang ako saglit” tugon naman niya.
“Oh sige anak, bilisan mo ha at may supresa kami sa iyo” sabi ko habang pababa na ako patungong sala kung saan nandun ang buong pamilya. May surpresa kasi kami para kay Fredo, binili namin siya ng bagong Amazon kindle “e-book reader”. Inorder pa yun ng papa niya sa America, matagal na nya kasing pangarap ang gadget na yun.
Tatlumpong minuto pa ang nagdaan at di pa rin siya lumabas. Pinuntahan na siya ng kuya niya sa kwarto at ilang minuto lang ay lumabas na sila. Bagong paligo si Fredo at nakabihis, suot nya ang polo shirt na regalo ko sa kanya nung pasko ko at nga rolex na relo na bigay naman ng papa niya nung nakaraang kaarawan niya.
“Happy Birthday!” sabayang bati namin sa kanya habang pababa sila ni Jason ng hagdanan. Ngumiti lang siya at tumingin sa amin.. walang imik.
“Oh, bakit naman parang malungkot ang aking bunso?” tanong ng papa nya.
“Di naman po, medyo napagod lang ako kanina sa school.” Tugon niya sabay bitaw ng pilit na ngiti.
“Oh siya wag ka nang malungkot at heto may regalo kami sayo!” sabay abot ng ama sa isang box na nakabalot sa pulang papel.
“Buksan mo agad anak at sigurado akong matutuwa ka nyan.” Sabi ko na sabik makita ang reaksyon niya.
Binuksan ni Fredo ang kahon at lumiwanag ang kanyang mukha sa nakita “Wow! Amazon kindle! Para sa akin po eto?” masayang tanong ni Fredo sa amin.
“syempre! Di ba last year mo pa gustong magkaroon ng ganyan?” sagot ng ama.
“salamat po pa, ma!” lumapit siya sa amin at niyakap niya kami nga mahigpit. Ewan ko bah parang kakaiba ang yakap niyang iyon. Puno ng damdamin, iba sa karaniwan niyang yakap sa amin. Marahil dala ng matinding kagalakan.
“ehem ehem...magseselos na ako nyan kapag di mo bubuksan itong regalo ko sayo” sambit ni Jason na may tonong pagtatampo..pero syempre paglalambing lang iyon...malambing kasi si Jason sa bunso niya.
“ah kuya, may regalo ka rin para sa akin?” tanong ni Fredo na nakangisi.
“syempre, kelan ba ako walang regalo sa birthday mo ha?” sagot naman nitong medyo pasigaw, pero nakangiti pa rin.
“Oh hala sige, buksan mo na rin regalo ng kuya mo at baka magtampo pa iyan” sabi ko kay Fredo. Agad nya namang kinuha ang regalo ng kuya at binuksan. Isang Diary na kulay blue at sa loob may naksulat:
“Pasa sa utol kong makata..isulat mo dito ang mga pangarap mo.
-kuya Jason-“
Walang imik si Fredo ngunit mamasa masa na ang mga mata nito at yumakap sa kapatid. Yumakap na rin kami sa kanila at nag Family hug. Ang saya namin nung gabing iyon.
“Ano di pa ba tayo kakain?” tanong ko sa kanilang nakangiti.
“Oo nga pala gutom na ako sa kahihintay nitong makata kong kapatid, tara kain na tayo!” sabay tawa at nag akbayan na ang magkapatid patungong hapag kainan.
Nang nasa hapag na kami, nagdasal muna ang asawa ko bago namin pinagsaluhan ang masarap na pochero, lechon kawali at pancit na hinanda ko. Paborito kasi yun ng mga anak namin. Syempre may birthday cake din.
Masaya kaming nag kukwentuhan habang kumakain ng bigla na lamang tumahimik si Fredo.
“Anak, ano ba problema at natahimik ka ata nang bigla?” tanong ko sa kanya. Di siya sumagot, patuloy lang sa pagkain. Ilang minuto nagtanong siya.
“Ma, pa.. may itatanong ako sa inyo sana po wag kayong magagalit.” Malumanay nyang tan
ong sa amin.
“tol, parang seryoso ka ata dyan ah... nakabuntis ka ba?” sabay ngisi ng kapatid.
“Eh di pakasalan! Ano bang problema dun? Lalaki ka anak at natural lamang na may ma inlove sa iyong babae.” Sambat naman ng ama.
“Diyos ko! Ano ba yang pinagsasabi ninyo? Tandaan nyong hindi kagustuhan ng panginoon ang mga bagay na iyan.” Sabat ko naman sa usapan.
“Eh kaya nga pakasalan eh para di na maging imorral! At least sigurado tayong di bakla ang anak natin.” Pangising biro ng ama.
“Sabagay, may punto kayo. Wala yata akong anak na bakla!” sagot ko naman. “Oh anak ano ba yang tanong mo? Wag mo na kaming intindihin, biro lang iyon pero sana di ganun ang tanong mo..joke! ehehe” pabiro ko namang tanong kay Fredo.
Tumahimik lang ito at binitiwan ang isang pilit na ngiti. “ah wala po ma..itatanong ko lang sana kung...(tahimik)...kung pwede na akong maunang matulog. Nahihilo po kasi ako eh. Mahinang sabi ni Fredo.
“May sakit ka anak? Uminom ka ng gamot bago ka pumasok sa kwarto at matulog” sabi ko naman.
“Di na po, pagod lang ako... ipapahinga ko lang ito. Basta ma, pa, kuya.. tandaan nyo mahal na mahal ko kayo at masaya ako sa kaarawan kong ito.” Tumayo siya at isa isa kaming niyakap at hinagkan sa pisngi.
Ewan ko ba...kakaiba talaga ang mga yakap niyang iyon pero di ko nalang inintindi. Umakyat na siya sa kwarto pagktapos kumain. Si Jason naman at ang ama niya ay nag videoke muna sa sala habang nililigpit ko ang aming kinainan.
Kinaumagahan, ginising ko si Fredo kasi parang nasarapan sa tulog at maleleyt pa ata. Kumatok ako ng kumatok ngunit walang tumugon. Mga sampung minuto na rin akong kumakatok kaya medyo kinabahan na ako.
“Pa...pa..pa! halika dalhin mo susi sa kwarto ni Fredo...baka may nangyari na sa kanya! Sumisigaw na ako sa pag alala....dali dali namang tumakbo paakyat ang asawa ko at si Jason. Bakas sa kanilang mukha ang matinding pag alala. Agad na binuksan namin ang kwarto at di ako halos makakilos sa aking nakita. Napako naman sa kinatayuan ang aking asawa at si Jason ay agad tumakbo palapit sa bankay na nakabitin sa kesame.
“Tol..tol..bakit? huhu...”umiiyak si Jason habang dali dali nyang pinutol ang lubid at inihiga ang kapatid sa kama. “tooooooollllllllll....huhuhuhuuhuhuhuhu
Di ko maintindihan ang aking naramdaman at parang sasabog ang aking dibdib. Dahan dahan akong lumapit sa walang buhay na katawan ng aking bunso. Umiiyak, di makapaniwala sa aking nakita. Nang papalapit na, humagulohol na ako ng iyak.. sumunod din ang aking asawa na parang batang umiiyak. Di ko maintindihan kung bakit nya iyon ginawa.
Sa ibabaw ng drawer niya nakalagay ang amazon kindle na regalo namin sa kanya at katabi nun ang diary na regalo ng kanyang kuya. Tiningnan ko ang kindle, nkabukas iyon at may naka download na e-book. Tiningnan ko ang pamagat ng libro “Tol...I love You by Mike Juha” Isang libro tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lalaki.  Binuksan ko ang diary at may nakasulat dito...

Sa mahal kong Pamilya,

            Wala na akong mahihiling pa sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isang mabait at mapagmahal na magulang. Hayan pa ang kapatid kong sobrang mahal din ako. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kayo at pangako kong di ko kayo madidisappoint. Ngunit ma at pa..may sekreto akong matagal ko nang tinatago sa inyo. Natatakot akong ma disapoint kayo sa akin  at baka ikahiya sa ibang tao. Alam kong di nyo matatanggap na may anak kayong lalaki din ang hanap. Di ko ginusto ang aking nararamdaman at matagal ko na rin itong nilabanan. Mahirap, masakit dahil di ko kayang ipakita ang totoong ako at di ko malayang magawa ang mga nais ko sapagkat nakatali ako sa prinisipyo ng ating relihiyon. Natatakot akong mapunta sa empyerno at ayaw ko rin na ako ang maging dahilan ng kaguluhan sa pamilya. Ma at pa, litong lito na po ako...marami akong katanungan ngunit wala akong mahanap na sagot, wala akong masabihan sa takot na layuan ako ng aking mga kaibigan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at nakikita kong di rin ninyo ako kayang maintindihan. Napakabigat ng aking mundo...lalo nat walang nakakaintidi sa akin...sobrang bigat na hindi ko na kaya...The world is too much for me to bear!
            Ma at Pa, pasensya na po at di ko na maipagpatuloy ang inyong mga pangarap sa akin. Pasensya na at di ako naging matatag...Sana po sa aking pagpanaw may mabubuksan na isipan at may mga katanungan na mabibigyan ng sagot.
Kuya Jason,
            Salamat sa diary kuya..ito ang pinaka magandang bagay na bigay mo sa akin. Dahil dito, naisulat ko ang aking mga pangarap. Sa mga sumusunod na pahina, isinulat ko ang aking likhang nobela. Iyan ang pangarap ko.
Ma, Pa at kuya, sana mapatawad nyo ako sa aking ginawang paglisan!


                                                            Nagmamahal,
                                                           Wilfred

Parang dinurog ang puso ko sa aking nabasa, tumulo ang aking luha habang hawak hawak ko ang isang diary na naglalaman ng isang masakit na katotohonan, ang pagpatay ko sa sarili kong anak.
Matagal ko nang napupuna na iba ang aking anak ngunit di ko ito pinansin. Tungkulin ko bilang isang ina na gabayan ang aking mga anak, ngunit nabigo ako. Wala ako sa mga panahong gustong ibuhos ng bunso ko ang sakit na nadarama niya. Wala ako upang upang gabayan siya sa kanyang pinagdaraanan. Napahagulhol nalang ako at parang mawalan na ako ng lakas.
Si Jason naman ay sobrang hinagpis ang nadama. Sinisi ang sarili dahil sa biro nito sa kapatid nung nakaraang gabi. Ngunit niyakap siya ng ama..
“wala kang kasalanan anak...kami ang may pagkukulang. Di namin kayo nagabayan ng mabuti.” Humaguhol na rin ang aking asawa... napuno ng kalungkutan ang aming bahay at parang nawalan na kami ng pag asa... Ngnunit naalala ko ang sabi ni Fredo, na sana sa kanyang paglisan may mga katanungan na mabibigyan ng kasagutan..hahanapin ko ang sagot at hindi ko hahayaang mangyari ang ganito sa natitira kung anak.

-itutuloy-

Monday, November 8, 2010

“You Ruined Me”
by Criselda D. Mariñas

Poverty, I condemn you!
for dragging me down into the life of misery,
putting sludge on my youthful wings,
searching warmth in cold flesh in winter nights,
sitting with umbrella on wetting bed in showering night.

Shattered my dreams
like a fainting child dreaming a mouthful of rice,
and took away my life silently like a cancer.

Poverty---lowliness!
Poverty---weakness!
Poverty---sadness!
Poverty---reality!
Poverty---anxiety!

A life of poverty is rare a dream
The affirmation only I could sob.
“Fate or Choice?”
by Criselda D. Marińas

Midway upon the journey of our life
found ourselves within a world,
oversee by instincts, unpredictable contingencies
and limited possibilities
nothing remains the same---everything, everyone changes.

Where do we find ourselves...?
thinking which path to travel---
deciding which race to join,
and suspicious which people to trust---
 but meaningful choices must be made!

Is their any justice of one’s choice?
if someone followed the crowd or one’s heart
if someone seized the wrong road, shall be dashed to pieces?
if took the right one, shall be happy ‘till eternity?
we do not certainly know!

What must we do?
be strong and of a good courage, I advocate
Act for the best,
Hope for the best,
And seize whatever comes!